-- Advertisements --
Nasa 20 katao ang nasawi sa ginawang missile strke ng Russia sa southern Odesa region ng Ukraine.
Ayon sa state emergency service na DSNS ,na 16 katao ang nasawi ng tamaan ang nine-storey building sa Serhiyivka.
Habang ang apat na nasawi kabilang ang bata ay nasawi ng tumama ang missile sa isang holiday resort.
Noong nakaraang mga linggo ay mas pinaigting ng Russia ang kanilang missile strike.
Mariing pinabulaanan naman ni Russian spokespeson Dmitry Peskov na tinatarget nila ang mga sibilyan.










