-- Advertisements --

Nasa mahigit 20 Israelis at Palestinians ang nasugatan sa panibagong mga insidente ng kaguluhan sa Al-Aqsa Mosque compound sa Jerusalem ito ay dalawang araw matapos ang nangyaring major violence sa naturang site noong nakalipas na linggo.

Bunsod nito, pumapalo na sa mahigit 170 ang bilang ng mga nadamay at nasugatan sa naturang kaguluhan kung saan nataon na isinagawa ang Jewish passover festival na Ramadan.

Daan-daang mga Palestinian demonstrators na nasa loob ng mosque compound ang nagsimulang mangalap ng mga bato matapos ang arrival ng mga Jewsih visitors.

Nagbunsod ito para pasukin ng police forces ang naturang compound upang mapaalis ang mga demonstrador at mae-establish ang kaayusan.

Pinapayagan lamang ang mga Jews na bumisita at hindi magdasal sa naturang site o mas kilala bilang Temple Mount na itinuturing na holiest place sa Judaism at ikatlong pinakabanal sa Islam.

Nitong unang bahagi ng kasalukuyang buwan aabot na rin sa 36 na katao ang napatay kasunod ng deadly violence sa Israel at occupied West Bank mula noong Marso.