-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pinayuhan ni Police Capt. Rose Aguilar, tagapagsalita ng Davao City Police Office (DCPO) ang mga pupunta sa “Pahalipay sa Pasko” ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bahay nito sa Central Park Bangkal nitong lungsod na kailangan hindi magdala ang mga ito ng mga ipinagbabawal gaya na lamang ng backpacks at matutulis na bagay.

Ngunit nilinaw ng opisyal naa hindi ipinagbabawal ang pagdadala ng tubig na nasa transparent na plastic bottle lalo na at hindi maiiwasan ang init ng panahon.

Nakahanda na rin umano ang seguridad na ipapatupad ng kapulisan dahil aasahan na pupunta sa bahay ng Pangulo ang nasa 20,000 katao.

Samantalang sinabi ni Task Force Davao (TFD) commander Consolito Yecla, na nasa higit 3,000 na mga personahe ng otoridad at augmentation ang i-dedeploy sa lugar kung saan isasagawa ang aktibidad ito ay para masiguro ang seguridad ng Pangulo at ng mga tao.

Kung maalala, bawat taon isinasagawa ng Pangulo ang pagbibigay ng biyaya kahit na noong Mayor pa lamang ito ng siyudad.