-- Advertisements --

Sinubukan ni US President Donald Trump na pawiin ang pangamba na nararamdaman ng kaniyang mamamayan dahil sa kakulangan ng coronavirus test kits at paglobo ng bilang ng positive cases.

Sa isang press conference, isiniwalat ni Trump na isasailalim sa test ang chloroquine, uri ng gamot na ginagamit sa sakit na malaria at remdesevir, isang experimental antiviral drug.

Ang mga nabanggit na gamot ay posible raw na gamitin sa COVID-19 therapies at pabagalin ang pagkalat ng naturang virus.

“It could have a very positive effect, or a positive effect, maybe not very, but maybe positive. It’s very, very exciting,” saad ni Trump.

Ngunit ayon sa Food and Drug Administration, hindi pa raw sigurado ang magiging epekto ng mga gamot na ito at kung sakali ay hindi pa ito magiging available sa publiko sa hinaharap.

Unang ginamit noong 1944 ang Chloroquine para labanan ngunit mayroon itong antiviral effects.

Naniniwala ang mga researchers na maaari nitong harangin ang kakayahang ng coronavirus na kumapit sa cell walls at maging sanhi ng sakit.

Habang ang remdesivir naman ay ginamit para pagalingin ang mga taong dinapuan ng Ebola virus at tanyag dahil sa pagiging epektibo nito laban sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at Middle East Respiratory Syndrome (MERS).