-- Advertisements --
Pinapatalsik ng Russia ang dalawang US diplomats nito na inakusahang nagtatrabaho sa Russian national na nakikipagsabwatan sa mga ibang bansa.
Ayon sa Foreign Ministry ng Russia na kanilang pinatawag si US ambassador Lynne Tracy para sabihan sina First Secretary Jeffrey Sillin at Second Secretary David Bernstein na lumayas sa Russia sa loob ng pitong araw.
Ang nasabing mga indibidwal kasi ay nakikipagtulungan kay R. Shonov na inakusahan ng pagkakaroon ng confidential cooperation sa ibang bansa.
Nagbabala naman ang US Department at sinabing sila ay gaganti sa ginawa na ito ng Russia.