-- Advertisements --
Hindi na nakaligtas pa ang dalawang piloto ng bumagsak na helicopter sa Cavite City.
Batay sa inisyal na importasyong inilabas ng Armed Forces of the Philippine, kinailangang magsagawa ng emergency procedures ang naturang mga piloto na kapwa mga tauhan ng Philippine Navy habang nagsasagaw ito ng training flight hanggang sa bumagsak ito malapit sa isang public market sa naturang lungsod.
Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang dalawa ngunit kalauna’y idineklara na ang mga ito na patay dahil na rin sa malubhang mga sugat na kanilang tinamo mula sa nangyaring aksidente,
Samantala, sa ngayon ay hindi pa rin ito naipapaalam sa mga pamilya ng biktima habang nagpapatuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil naturang trahedya.