-- Advertisements --

Hawak na ng mga Israel police ang dalawang suspek na walang habas na nagsagasa mga tao sa lungsod ng Raanana.

Dahil sa insidente ay isang 70-anyos na babae ang nasawi at 17 iba pa ang sugatan.

Ang mga suspek umano ay residente ng Hebron City sa West Bank at iligal silang pumasok sa Israel.

Naglabas naman ng pahayag ang Hamas na ang nasabing atake ay natural na kasagutan ng mga residente sa West Bank dahil sa ginagawang paglusob umano ng Israel sa Gaza.