-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril sa bayan ng Datu Saudi, Ampatuan Maguindanao na nagresulta sa pagkasugat ng dalawang indibidwal kabilang na sang isang kasapi ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Kinilala ng Ampatuan PNP ang mga sugatang biktima na sina Fire Officer 1 Jingle Bedeña, 28 anyos , naka-destino sa Sultan Sa Barongis Fire Station, at ang kasama nitong si Salahudin Pato, 21 anyos, na kapwa nagtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na sakay ng motorsiklo ang mga biktima ng bigla silang dikitan at pagbabarilin ng riding in tandem suspects.

Gumamit umano ng Caliber .45 pistol ang mga suspek sa pamamaril sa mga biktima.

Sa ngayon inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng krimen lalo na at patuloy din na ipinapatupad ang election gun ban.