-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nawalan ng preno at bumaliktad ang isang delivery truck sa probinsya ng Cotabato.

Sugatan ang driver at isa nyang pahinante sa pagbaliktad ng trak habang nakaligtas ang dalawa na tumalon.

Ayon kay Alamada Chief of Police Major Sunny Leoncito na binabaybay ng delivery truck ng energy drink ang Sitio Guo, Barangay Guiling, Alamada, North Cotabato.

Biglang pumutok ang unahang gulong ng trak at hindi na nakontrola ng driver ang manobela at bumaliktad sa gilid ng kalsada.

Nagtamo ng sugat ang driver at helper habang ligtas naman ang dalawang iba pa.

Ang mga nasugatan ay agad dinala sa pagamutan at nagpapagaling ngayon sa kanilang tinamong sugat.