-- Advertisements --
NAGA CITY- Labis ang pasasalamat ni CamSur 3rd District Representative Gabby Bordado matapos magnegatibo sa swab test na isinagawa ng Bicol Medical Center.
Nabatid na dalawa sa mga staff na laging kasama ng kongresista ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bordado, sinabi nitong bagamat nagnegatibo ang kanyang resulta ngunit 14 araw pa rin aniya siyang naka-quarantine.
Ayon kay Bordado, hindi aniya maiiwasang mahawaan ng sakit ang isa sa kanila dahil bagamat may pandemya, ngunit patuloy aniya ang kanilang paglilibot sa mga komunidad.
Sa ngayon, may isa pa aniya siyang staff na ipinasailalim sa swab test at umaasa naman ang kongresista na magnenegatibo ito sa nasabing virus.