-- Advertisements --

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na agad maipoproseso ang financial assistance para sa pamilya ng mga pulis na nasawi dahil sa COVID-19, habang gumaganap sa tungkulin.

Sa record ng PNP, dalawa na ang naitalang binawian ng buhay.

Ang una umano ay namatay noong Marso 27, ngunit ngayon lang lumabas na COVID-19 positive pala ito.

Habang ang ikalawa ay kagabi lang namatay dahil sa kaniyang kondisyon.

Maliban sa kanila, may 14 pang infected ng virus sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Habang nasa 209 naman ang persons under investigation (PUI).