Arestado ang dalawang miyembro ng PNP sa isinagawang buy bust operations ng Rodriguez Municipal Police Station bandang alas-10:20 kagabi sa may Metro Montana, Barangay Burgos, Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Region 4-A regional police director CSupt. Guillermo Eleazar na AWOL ang dalawang pulis na naaresto sa buy bust operations ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Group, Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni Rizal Police Provincial Director PSSupt. Lou Evangelista.

Kinilala ni Eleazar ang dalawang pulis na sina PO2 Benjo Villanueva at PO1 Ivan Henrick Ramos.

Si Villanueva ay 11-anyos sa serbisyo pero may kasong AWOL kung saan ang huling assignment nito ay sa Antipolo City Police Station, habang si Ramos ay pitong taon pa lamang sa serbisyo.

Nakuha sa dalawang pulis ang limang piraso ng heat sealed na umanoy shabu, dalawang issued firearms caliber 9mm na may 30 live ammunitions.

-- Advertisement --

Patung-patong na kaso ang kahaharapin ng dalawang pulis gaya ng illegal possession of illegal drugs, firearms at  robbery extortion.

Iprinisinta kanina sa mga miyembro ng media ang dalawang pulis na kasalukuyang nasa kustodiya ng Rizal PNP.