CAGAYAN DE ORO CITY – Umakyat na sa apat na pasyente na may severe acute respiratory illness (SARI) ang namatay sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC).
Ito’y matapos dalawa pang pasyente na may respiratory illness na taga-Cagayan de Oro at ibang lungsod ang pumanaw habang ginagamot sa loob ng ospital.
Ayon kay NMMC chief Dr. Jose Chan, hindi pa nila makumpirma kung namatay sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang mga pasyente.
Una nang nasawi ang dalawang SARI patients na babae noong Marso 18 kung saan bigo pa rin ang mga health authorities sa pagberepika kung ito ay dahil sa virus matapos hindi sila nakunan ng swab sample.
Sa ngayon, nasa 12 “person under investigation” (PUI) ang naka-confine sa parehong ospital habang 636 ang persons under monitoring o PUM sa buong Cagayan de Oro na isinailalim sa home quarantine.