-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng Department of Justice (DoJ) na cleared na sa mga kinahaharap na kaso ang dalawang puganteng Japanese bago sila i-deport ngayong araw.

Una nang kinumpirma mismo ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) na wala nang kinahaharap na kaso ang unang dalawang naunang napa-deport na sina “Saito” at Yuki Watanabe.

Ilang opisyal naman ng pamahalaan ang nag-escort kina Kiyoto Imamura at Toshiya Fujita na parehong nakaposas sa Japan Airlines jet sa Manila airport.

Ang dalawa sa apat na suspek ay pinaniniwalaang nasa likod ng mga pagnanakaw at telephone fraud cases sa Japan.

Lumalabas na maraming Japanese news outlets at social media ang nahikayat sa mga krimen at pagkakasangkot ng mga suspek sa ringleaders na naka-base sa Southeast Asian country.

Ang mga nahuli umanong low-level criminals sa Japan ay umamin sa mga otoridad na nakakatanggap ang mga ito ng instructions mula sa ilang tao at ang pangalang “Luffy” sa Telegram messenger app.

Nagbibigay daw ng direktiba ang mga kriminal para makapanloko ng kanilag mga kababayan.

Sa ngayon, nasa 70 katao na raw ang naaresto na may kinalaman sa krimen.

Ang grupo ang sinasabing nasa likod ng 2,300 cases ng fraud na nagkakahalaga ng 3.5 billion yen o nasa P1.4 billion.

Konektado rin ang mga ito sa serye ng break-ins sa Tokyo kabilang na ang pagpatay sa 90-year-old na si Kinuyo Oshio na natagpuang patay sa kanyang bahay noong Enero 19.

Miyerkules noong nakaraang linggo nang ipa-deport ang dalawang suspek.