-- Advertisements --
Patay ang dalawang police matapos ang pagkakatakas ng mahigit 800 preso sa Congo.
Bago ang insidente ay nilusob ng mga armadong suspek ang Kakwangura central prison sa bayan ng Butembo kung saan pinatakas anila ang mga nakakulong doon.
Itinuturong nasa likod ng atake ang Mai-Mai Group na isang self-defense ethnic group.
Naninwala naman ang Kivu Security Trackers isang US-based monitor na ang grupong Allied Democratic Forces (ADF) ang nasa likod ng atake.
Patuloy na hinahanap ng mga otoridad ang mga tumakas na suspek.