Pinaghahain ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang 2 police generals at walong police officers.
May kaugnayan ito sa imbestigasyon sa pagkakakumpiska ng 990 kilograms ng shabu sa isang pulis noong nakaraang Oktubre.
Ayon pa sa kalihim na dapat ay ngayong linggo ay makapaghain na ang mga ito ng leave si dating Deputy Chief PNP for Operations na si PLTGEN Benjamin Santos Jr at 9 na iba pa dahil maari silang masuspendi.
Itinuturing na ang nasabing drug buybust operations ay siyang pinakamalaking nakumpiska nila na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon.
Base sa imbestigasyon ni Abalos na ang nasabing mga kapulisan ay sinubukang pagtakpan ang supsek na si Police MSgt. Rodolfo Mayo na miyembro ng PNP Drug Enforcement Group.
Ipinakita pa nito ang ilang kuha ng CCTV kung saan malinaw aniya na iba ang isinumiteng ulat ng PNP sa makikita sa CCTV kaya kanilang iimbestigahan ang nasabing mga kapulisan.










