-- Advertisements --
Abanse na sa gold medal matches ang dalawang boksingero na pambato ng ating bansa sa nagpapatuloy na Southeast Asian Games sa Cambodia.
Nagwagi kasi si Tokyo Olympian boxer Irish Magno sa pamamagitan ng unanimous decision laban kay Novita Sinada ng Indonesia sa 54 kgs. division.
Dahil dito ay makakaharap niya si Jutamas Jitpong ng Thailand kung saan maituturing na ito na ang pangalawang beses na paghaharap ng dalawang boksingero na unang nagharap noong 2020 Tokyo Olympics at nabigo dito ang Pinay boxer.
Habang nakapasok sa gold medal match naman si Riza Pasuit ng talunin si Nur Sabrina Binte Mohd Faizal ng Singapore sa pamamagitan ng split decisioin sa 64 kgs. semifinals.
Susunod na makakaharap nito si Thi in Ha ng Vietnam.