DAVAO CITY – Kabuuang 180 inbibiduwal ang nahuli ng mga orotidad dahil sa paglabag sa COMELEC Gunban.
Batay sa record ng Police regional office 11, mula Enero 9 hanggang June 2, 2022 umabot ng 171 ibat-ibang klase ng armas ang nakumpiska habang nasa 32 naman na deadly weapons ang narecover.
Inihayag ng PRO 11, pawang nasampahan na ng kaso ang mga nahuling 180 individuals.
Karamihan umano sa mga nahuli na lumabag sa comelec gunban ang naaresto sa inilunsad ng mga police na drug buy bust operation.
Habang ang iba ay nahuli namang sa pamamagitan ng police response partikular na sa mga checkpoints.
Samantala, nilinaw ng PRO 11 sa publiko na nagpapatuloy pa rin ang pagpatupad ng comelec gunban kahit halos 3 linggo nang nakaraan matapus ang May 9, 2022 local at national elections ay nanatili pa rin ang bansa sa election period na tatagal ng hanggang June 8, 2022.