-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang karambola ng tatlong motorsiklo sa Tagoloan, Misamis Oriental kung saan dalawa ang patay habang tatlo ang sugatan.
Ayon kay Provincial Police Office spokesperson police Lt. Princess Velarde, unang nagbanggaan ang motorsiklong minamaneho nina Jude John Ascuna at Joel Bacus habang binabagtas ang kalsada sa Brgy. Poblacion.
Matapos nito ay sumalpok din ang motor ni Gabe John Bacus.
Patay si Ascuna at isang Lester Cabanda.
Sa ngayon nagpapagaling na sa ospital ang backride ng mga nagmaneho na sina Ritchie Quinones, Crystal Molina at Shelvie Cara Cabunoc.