-- Advertisements --
Patay ang dalawang katao sa ginawang air-strike ng Russia sa Kherson region ng Ukraine.
Isang babae mula sa Beryslav city at isang lalaki naman mula sa Lvove village ang nasawi kung saan marami ang nasugatan sa insidente.
Ayon sa Ukraine Air Force na tinarget ng Russia ang Odessa regions ng Black Sea sa southern Ukraine.
Sinabi naman ni Governor Oleksandr Prokudin na patuloy ang ginagawang counter offense ng Ukraine laban sa mga air strike ng Russia.