-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao matapos ang naganap na pananaksak sa isang pagamutan sa south-west China.

Naganap ang insidente sa Zhenxiong People’s Hospital sa Yunnan province kung saan mayroon 21 katao ang sugatan.

Ayon sa mga kapulisan na pumasok bigla ang suspek sa pagamutan at armado ng dalawang kutsilyo.

Ginagamot na ang mga sugatan at hindi naman malinaw kung naaresto ng mga kapulisan ang suspek.

Patuloy na inaalam din ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa nasabing krimen.