CENTRAL MINDANAO-Biktima ng summary execution ang dalawa katao sa lalawigan ng Maguindanao.
Ang mga biktima ay hindi pa tukoy ang pagkakilanlan dahil walang nakuhang identification card o ID sa mga ito.
Ayon kay Datu Odin Sinsuat Chief of Police Lieutenant Colonel Assir Balindong na nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril ang mga residente sa gilid ng national highway ng madaling araw sa Barangay Taviran Datu Odin Sinsuat Maguindanao.
Dalawang hindi matukoy na sasakyan ang mabilis na umalis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen.
Nang magresponde ang mga pulis at opisyal ng Barangay nadatnan nilang nakahandusay ang mga biktima at tadtad ng tama ng bala ng baril.
Inilarawan ni Colonel Balindong ang lalaking biktima ay nasa 30-35 anyos, mahaba ang buhok, nakasuot ng navy blue t-shirt, grey cargo pants, salomoon dominant black shoes at estimated 5’5″ feet ang tangkad habang ang babae ay mga nasa 20-25 anyos, with pink pony tail, suot ang kulay cream sweater and pink inner shirt, maong pants, black sneaker shoes, at may floral tattoo sa bahagi ng kanang paa.
Narekober rin sa crime scene ang sampung empty shell ng kalibre.45 na pistola.
Hindi residente ng Brgy Taviran ang mga biktima dahil hindi sila kilala ng mga tao doon.
Sa ngayo ay nakalagak ang bangkay ng mga biktima sa Villa Eliza funeral homes sa Cotabato City habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat PNP.