-- Advertisements --
Hindi bababa sa dalawang katao ang nasawi matapos ang naganap na malakas na pagsabog sa isang kainan sa China.
Naganap ang insidente sa ground-floor ng kainan sa residential area ng Sanhe City sa Hebei province.
Sugatan rin sa insidente ang nasa 25 katao at dinala na ang mga ito sa pagamutan.
Nagtamo rin ng matinding pinsala ang apat na palapag na gusali.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na galing umano ang pagsabog sa isang gas leak.