-- Advertisements --
Patay ang dalawang katao habang sugatan ang dalawang iba pa sa naganap na pagsabog sa taguan ng mga pampasabog ng Department of National Defense sa Limay, Bataan.
Kinilala ang mga nasawi na sina Ricardo Solomon, 40 ng Orion, Bataan at Marlon Tatel, 38, ng bayan ng Limay habang ang sugatan naman ay kinilalang sina Marceldo Rodriguez, 57, at Allan Wisco, 36, parehong mga residente rin ng Limay.
Sinabi ni Col. Joel K Tampis, ang hepe ng Bataan PNP, naghahalo ang mga biktima ng mga kemikal na primer para sa mga bala nang nangyari ang pagsabog.
Agad na nasawi si Tatel habang ginagamot sa DND Arsenal Infirmary si Solomon.