CEBU CITY – Nag-iwan na ng dalawang patay matapos naanod ng matinding pagbaha kagabi sa Cebu City.
Ito ang kinumpirma ni Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) head, Ramil Ayuman sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cebu.
Isa sa mga namatay ang isang lalaki na si alyas “Kaka” matapos nagpumilit na tumawid sa isang tulay sa gitna ng rumaragasang tubig-baha.
Isang senior citizen naman ang nasawi dahil na-trap sa bahay nito na nakilala sa pangalan na Labiano De Toya sa Barangay Lorega sa nasabing lungsod.
Sa mga oras na ito ay hinahanap pa ng mga tauhan ng City Disaster, Coast Guard at ibang pang ahensya, ang isang 16-anyos na binata na nainanod ng baha.
Ayon pa sa CDRRMO head, isa sa nagpapahirap sa kanilang retrieval operations ay dahil sa mga naipong basura at debris na bumara sa mga estero sa siyudad.
















