-- Advertisements --
Patay ang 2 katao matapos ang naganap na mass shooting sa isang block party sa Baltimore.
Bukod sa 18-anyos na babae at 20-anyos na lalaki na nasawi ay mayroong 16 na iba pa ang sugatan na itinakbo sa pagamutan.
Mabilis naman na tumakas ang suspek matapos ang insidente.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa nasabing pamamaril.