CEBU – Dead on the spot ang driver ng motorsiklo at ang backride nito matapos araruhin ng 6×6 truck ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Sitio Padua, Barangay Damolog, Sogod, Cebu.
Kasama sa sinalpok ng nasabing service truck ang isa pang motorsiko, dalawang pick-up at ang dalawang bahay.
Maliban sa mga namatay, apat ang naitalang sugatan sa insidente.
Ayon sa Sogod Police Station, sa inisyal na imbestigasyon ay nawalan ng kontrol ang minamanehong sasakyan ng AFP habang binabaybay ang Cebu City.
Kinilala ang truck driver na si Private First Class Gary Betonio Pagalong na kasalukuyang nakakulongsa Sogod Police Station.
Sa ngayon ay hinihintay ang desisyon ng mga apektadong pamilya pati na ang mga may-ari ng binanggang sasakyan kung magsasampa ba ng kaso laban sa driver.