-- Advertisements --
Dalawa na ang naiulat na namatay at dalawa ang nawawala sa nasunog na isang barko sa Batangas City.
Nauna nang iniulat na nasunog ang isang Motor Tanker Sea Horse bandang 9AM ngayong araw, linggo, 22 Oktubre 2023 sa Alpha Anchorage Area, Batangas.
Bandang 11:08AM naman nang idineklarang fire out ang distressed vessel.
Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na ang Marine Environmental Protection Group Batangas sa Petron Company para sa standby oil spill boom bilang paghahanda sa posibleng pagtugon sa oil spill.