Isang babae at lalaking banyaga ang patay matapos tambangan sa bahagi ng Apo Rotonda, Rizal Avenue sa Olongapo City.

Ayon kay P/Capt. Grace Doceo, spokesperson ng Olongapo City Police, nangyari ang krimen alas-10:30 kaninang umaga.

Ayon kay Doceo, sugatan ang isa pa na agad namang isinugod sa ospital.

Habang ang bata na tinatayang dalawang taon ang edad ay naiwan pero hindi binaril ng suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng City Social Welfare office.

Kaagad namang nakilala ang suspek batay sa kuha ng closed circuit television malapit sa establishment kung saan binaril ang mga biktima.

Batay sa ulat, kasama ng mga biktima ang suspek na isa ring banyaga.

Sa ngayon, blangko pa ang mga otoridad sa motibo ng pamamaril.

Tumanggi naman si Doceo na pangalanan ang mga biktima dahil hindi pa naaabisuhan ang mga kamag-anak.