-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang dalawang lalaki sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng mga pulis at dalawang aramadong lalaki sa Brgy. Arua-ay sa bayan ng Piddig, Ilocos Norte.

Sa panayam kay Police Col. Christopher Abrahano, provincial director ng Ilocos Norte Police Provincial Office, sinabi nito na “gun for fire” ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na namatay sa engkwentro.

Una rito, nakatanggap sila ng report hinggil sa umano’y may umaaligid na dalawang lalaki sa nasabing lugar na dahilan upang rumisponde ang mga kasapi ng PNP Piddig.

Nang makita nila ang mga pulis ay biglang tumakbo ang dalawang lalaki hanggang sa nagkaengkwentro ang mga ito sa nasabing barangay.

Dagdag ng opisyal na possibleng isang kaso ng attempted murder ang mareresolba matapos mapatay sa bakbakan ang dalawang lalaki.

Sinabi ni Abrahano na may nangyaring attempted murder, dalawang Linggo na ang nakakalipas, sa nasabing lugar kung saan hindi nagtagumpay ang mga suspek dahil hindi pumutok ang baril ng mga ito at bumalik ang mga ito sa lugar ngunit napatay sila engkwentro matapos inireport sa pulisya.

Narekober naman sa nangyarihan ng insidente ang dalawang caliber 38 revolver, kung saan tatlo ang nagamit na bala sa isang baril habang isang bala ang naiputok sa isa pang baril.

Nasugatan naman sa insidente ang kamay ng isang kasapi ng PNP ngunit hindi naman ito malubha.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otortidad matapos ang engkwentro.