-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ni Southern Philippines Medical Center (SPMC) chief of hospital Dr. Leopoldo Vega na may dalawang pasyente ng COVID-19 ang muling nagpositibo sa naturang sakit.

Ayon pa kay Dr. Vega, ang nasabing mga pasyente ay na-cleared na sa coronavirus ngunit muli itong na-confine sa SPMC matapos ang kanilang isinagawang follow up swab testing.

Lumabas kasi sa resulta na muling nagpositibo ang mga ito sa virus.

Pinayuhan na lamang ngayon ni Vega ang mga pasyente na gumaling sa COVID-19 na kailangan seryosohin ng mga ito ang 14-days home quarantine sa oras na makalabas ng ospital para masigurong bumalik na ang sigla ng kanilang katawan.