CAGAYAN DE ORO CITY – Tuluyan nang inaresto sa bisa ng court warrant of arrest ang kontrobersyal na si Lapasan Baptist Church Bishop Dimver Andales kasama ang kanyang junior pastor na si Jether Nonot mismo sa loob ng kanilang simbahan sa kahabaan ng Barangay Lapasan,Cagayan de Oro City kaninang umaga.
Mismo si City Police Director Col. Salvador Radam ang nagsilbi sa kautusan na pag-aresto sa kasong murder laban kina Andales at Nonot mula sa sala ni RTC Branch 39 Presiding Judge Marites Bernales dahil sa sila ang nagsilbing respondents sa pagpatay sa dating Mr. Cagayan de Oro candidate na si Adrian Fornillos sa Barangay Nazareth noong Mayo 9 ng gabi.
Subalit iginiit naman sa legal team ng dalawang pastor sa pamamagitan ni Atty. Rhobert Maestre na nakahanda umano sila humarap sa mga pagdinig na isagawaga ng korte ukol sa Fornilllos murder case.
Aniya,pagkakataon na nila ito upang maihayag ang lahat ng kanilang pagkontra sa panig ng prosekusyon at pag-presenta ng mga hawak nila ng mga ebedensiya.
Magugunitang iginiit ng prosekusyon na nakitaan nila si Andales ng certainty of conviction nang isinagawa nila ang ilang buwan na case build up sa nangyari sa biktima.
Napag-alaman na unang sinabi ng pulisya na ‘crime of passion’ ang nag-uudyok sa itinurong utak ng kremin dahil nagsilbi umano itong ‘sugar daddy’ sa nobya na babae ni Fornillos.