Dalawa pang gold medals ang nadagdag sa billiards at archery team sa kampanya ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games na ginaganap sa Hanoi, Vietnam.
Ito ay makaraang masungkit ni Johann Chua ang gold medal sa all-Filipino Finals laban sa kababayang si Carlo Biado sa Men’s 9-Ball Pool Singles event.
Ito na ang pangalawang gold medal ng Pilipinas sa billiards.
Samantala, hindi rin naman nagpahuli para sa medalyang ginto ang mga atletang sina Pia Bidaure, Abby Bidaure, at Phoebe Amistoso para masungkit ang gold medal sa Archery Women’s Team Recurve competition.
Ilan pa sa mga nanalo ngayong araw ay sina:
Francisco Dela Cruz na nanalo ng bronze medal sa Men’s 1-Cushion Carom Singles event.
Carlo Biado na may silver medal sa Men’s 9-Ball Pool Singles competition.
Margarito Angana na mag-uuwi rin ng bronze medal sa Men’s Greco Roman 60kg class of Wr.
Si Noel Norada naman ay naka-bronze rin sa sa Wrestling Men’s Greco Roman 67kg event.