-- Advertisements --

Umakyat na sa 16 ang bilang ng mga empleyado ng Kamara na nagpositibo sa COVID-19 .

Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, ito ay matapos na dalawa pang empleyado ng Kamara ang nagpositibo sa nakakamatay na sakit kamakailan.

Sinabi ni Montales na ang isa sa dalawang bagong kaso ay isang congressional staff na huling nakapagtrabaho sa Kamara noong Hulyo 2.

Dumaan pa aniya ang naturang staff sa kanilang opisina noong Hulyl 6 at nakahalubilo pa ng kanyang principat at co-staff members.

Samantala, ang ikalawang bagong kaso naman ay isang security staff na kasalukuyang nakakaranas ng renal problems.

Marso 12 naman siya huling nakapunta ng Kamara para magtrabaho.

Umaapela si Montles nang panalangin para sa mabilis na recovery ng mga empleyado ng Kamara na nagpositibo sa COVID-19.