-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Dalawang bangkay pa ng pinaghihinalaang New People’s Army (NPA) members ang nakuha na-recover ng militar sa nagpapatuloy na operasyon nito sa Agusan del Sur.
Kinilala ang mga bagong bangkay na na-recover na sina Albert “Lucas” Doron ng Guerilla Front 14; at Mendiano “Bager” Mique na miyembro naman ng grupo ng isang Arnold “Ka Jorlan” Orlanes.
Ayon kay Lt. Col. Jaime Datuin, commanding officer ng 75th Infantry Battalion, nakuha rin mula sa mga patay na rebelde ang ilang armas matapos ang nangyaring engkwentro kamakailan.
Una ng na-recover ng mga sundalo ang dalawa ring bangkay sa bahagi ng Sitio Sta. Monica, na siyang nai-turn over na rin sa kanilang mga pamilya.