-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Personal na tinanggap ni Provincial Administrator Aurora P. Garcia bilang kinatawan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang dalawang Plaque of Recognition na iginawad ni Commission on Population and Development (CPD) XII Regional Director Desiree Concepcion U. Garganian sa Provincial Governor’s Office, Barangay Amas, Kidapawan City.

Ito ay bilang pagkilala sa maayos na implementasyon ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Population and Gender Development Division ng mga programang may kinalaman sa Responsible Parenthood and Family Planning na isinusulong ng CPD.

Pagsaludo at pasasalamat naman ang ipinaabot ni PA Garcia sa mga kawani ng PopGAD na pinangungunahan ng kanilang Division Head na si Allan R. Matullano sa pagsisikap nito na mapangalagaan ang kapakanan ng bawat pamilyang Cotabateño sa pamamagitan ng tamang pagpaplano ng pamilya.

Inaasahan din ni PA Garcia na mas marami pang pagkilala ang matatanggap ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Governor Mendoza.

-- Advertisement --