-- Advertisements --

Pinalibutan ng Israel Defense Forces ang dalawa pang pagamutan sa Gaza Strip.

Ayon sa Palestinian Red Crescent Society (PRCS) na napalibutan na ang Al-Amal Hospital at Nasser Hospital sa southern Gaza.

Pinangangambahan nila ang kanilang empleyado na naiipit sa kaguluhan.

Una rito ay umabot sa mahigit 400 na mga Hamas militants ang naaresto na ng Israel Defense Forces sa isinagawa nilang operasyon sa Al-Shif hospital sa Gaza.