Patay ang dalawang miyembro ng NPA sa panibagong engkwentro kaninang madaling araw sa Barangay Teresita, Mansalay, Oriental Mindoro.

Sa report na inilabas ng AFP Southern Luzon Command (SOLCOM) alas-4:30 kaninang madaling araw nang makasagupa ng mga sundalo ang nasa 15 miyembo ng NPA.

Sa nasabing labanan dalawang miyembro ng NPA patay at nakarekober ng isang M16 rifle ang mga sundalo.

Ayon kay Capt. Ronnie Sarmiento, CMO officer ng 203rd Brigade, nagpapatuloy ang purusit operations sa ngayon.

Sinabi Sarmiento natunton ng mga sundalo ang pinagkukutaan ng komunistang grupo batay na rin sa impormasyon na ibinigay ng mga residente sa lugar.