-- Advertisements --

2 katao ang naitalang nasawi habang higit isang milyon naman ang apektado sa pinagsamang epekto ng shear line at low pressure area (LPA), ayon sa disaster officials nitong Linggo.

Ang naturang mga nasawi kasabay ng mga nasugatan ay naitala sa Eastern Visayas, ayon sa National Disaster Risk Reductionm and Management Council.

Ayon sa NDRRMS, sa kabuoan ay 1,003,271 katao ang apektado sa 7 rehiyon, kabilang ang Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Eastern at Western Visayas, Northern Mindanao, at Caraga.

Nasa 270 kabahayan rin ang apektado at 45 ang nawasak.

Ang Agricultural damage naman ay umabot na sa P119,897,021 na may 5,424 na mangingisda at magsasaka ang apektado.

Samantala, 60 munisipalidad ang nawalan ng kuryente, apat na lugar ang naputol ang linya ng komunikasyon, at naapektuhan ang access ng isang lungsod sa suplay ng tubig.

Suspendido naman ang klase sa 180 iba’t ibang munisipalidad habang 32 bayan ang nagpatupad ng suspensiyon sa trabaho.

Pumasok ang LPA sa Philippine Area of Responsibility sa silangan ng Northeastern Mindanao noong Nov. 17 at nagdala ng malakas na ulan sa Eastern Visayas at Caraga.