-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Namatay ang dalawang motorista matapos magbanggaan ang kanilang sinasakyang dalawang motorsiklo sa highway na nasasakupan ng Purok 3, Rizal, Santiago City

Ang mga nasawi ay sina Angelo Bajet 34 anyos, may-asawa, residente ng Raniag Ramon Isabela at Sayful Acha-ol, 20 anyos at nakatira sa Potia, Alfonso Lista, Ifugao.

Lulan ng Honda motorcycle si Bajet at pauwi na sana sa bayan ng Ramon samantalang papuntang lungsod ng Santiago si Acha-ol lulan din ng kanyang Motorsiklo nang bigla silang magsalpukan ang kanilang sinasakyan.

Nagtamo ng matinding pinsala sa kanilang mga ulo at iba pang bahagi ng katawan ang mga biktima na nagsanhi ng kanilang kamatayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Rolando Ortinez, isa sa nakasaksi sa aksidente mabilis umano ang pagmamaneho ni Bajet at sinubukan nitong mag-overtake sa isang trailer truck na naging dahilan para umagaw sa linya ni Acha-ol.

Nakasuot naman ng helmet ang dalawang ngunit dahil sa lakas ng impact nang salpukan ay nabasag ang mga suot na helmet.

Ayon naman sa kasamahan ni Bajet na sumusunod sa kanya galing sila sa isang kaibigan sa Barangay Mabini at aminado siyang nakainom ang biktima nang mangyari ang aksidente.

Dinala ang dalawang biktima sa Southern Isabela Medical Center ngunit idineklarang Dead on Arrival ng kanilang attending physician.