
Naaresto ng mga tauhan ng Criminal Imvestigation and Detection Group (CIDG) – Major Crimes Investigation unit at Bureau of Immigration (BI) ang dalawang most wanted Sa South Korea kahapon sa Paranaque City.
Kinilala ni PNP Chief PGen. Debold Sinas ang mga arestadong koreano na sina: Yu Dawoong, 39-anyos at Kang Wesung, 36-anyos, na number 2 at number 4 most wanted suspeks sa online fraud sa kanilang bansa.
Ang dalawa ay International fugitives na kabilang sa “red notice” ng International Criminal Police Organization (ICPO-Interpol).
Ayon Kay Sinas ang pagkakahuli sa dalawang suspek ay bahagi ng commitment ng PNP sa Interpol na tumulong sa pag-aresto ng mga wanted sa mga bansang miyembro ng grupo.
Ang dalawang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG, habang inihahanda ang deportation proceedings.















