-- Advertisements --

de leon

Pormal nang umupo bilang bagong number 4 man ng Philippine National Police si M/Gen. Rhodel Sermonia.

Itinalaga si Sermonia bilang chief ng Directorial Staff para punan ang binakanteng pwesto ni PNP chief Lt. Gen. Dionardo Carlos.

Sa ginanap na flag raising ceremony, ipinasa na ni Carlos ang kapangyarihan sa kanya at nanumpa sa pwesto.

Pumalit naman kay Sermonia bilang director ng Directorate for Operations si B/Gen. Valeriano De leon na nanggaling sa Civil Security Group.

Nanumpa na rin siya sa pwesto kanina.

Nabatid na si Sermonia ay kasapi ng Philippine Military Academy Makatao Class of 1989.

Samantala, iginiit ng bagong hepe ng Philippine National Police na ipagpapatuloy niya lang ang mga magahandang nasimulan ng mga nakalipas na hepe ng PNP.

Sa kanyang pagharap sa mga pulis sa unang flag raising ceremony bilang bagong hepe ng PNP, sinabi ni Carlos na wala syang gagawing malaking pagbabago sa plataporma at ang gagawin nya lang ay paiigtingin ang mga nakalipas na kampanya.

Kasama rito ang laban sa iligal na droga, kriminalidad at terorismo.