-- Advertisements --
viber image 2023 09 23 15 30 14 576

Nasagip ng mga tauhan ng barkong pandigma ng China ang dalawang mangingisdang Pilipino sa bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon sa Chinese authorities, naglalayag ang naval vessel ng Chinese People’s Liberation Army sa bahagi ng Spratly’s Island ng mamataan ang mga mangingisdang humihingi ng tulong.

Agad na nilapatan ng paunang lunas ng mga Tsino ang isa sa dalawang mangingisdang sugatan nang tamaan ng propeller blades.

Samantala, bukod dito ay nagpaabot din ang mga Tsino sa mga mangingisda ng pagkain at gamot.

Kasunod nito ay iturn-over naman ng China Coast Guard sa mga otoridad ng Pilipinas ang dalawang nasagip na mga mangingisda sa pamamagitan ng communication hotline.