-- Advertisements --

Nasa dalawang maintenance crew na ang namatay habang nasa dalawa naman ang nasugatan matapos mag-collapsed ang isang elevator na inaayos sa loob ng isang gusali sa may Gil Puyat avenue Brgy. Pio del Pilar sa lungsod ng Makati ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Natukoy ang mga biktima na sina Manuel Linayao at Rey Miguel Gilera.

Base sa preliminary report ng NCRPO, nahulog ang elevator sa may basement mula sa ika-38 palapag ng gusali habang inaayos ng mga biktima ang naturang elevator sa 6th floor ng gusali dakong 2:55 kaninang umaga.

Batay naman sa report mula sa Bureau of Fire Protection, rumisponde ang Special Rescue Force-Makati sa pinangyarihan ng naturang insidente dakong alas-3:46 ng umaga at karagdagang ambulansiya ang idineploy sa lugar.

Nagsagawa na rin ang BFP ng rescue at retrieval operation at nasa lugar na rin ang SOCO operatives para iproseso ang pinangyarihan ng insidente.