LAOAG CITY – Tagumpay na naisagawa ng mga otoridad ang magkahiwalay na search warrant operation bayan ng Solsona.
Nakilala ang subject ng unang operasyon na si Pablo Clarence Pascual y Fabian, 53-anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Maan-anteng sa nasabing bayan.
Ang search warrant ay inilabas ni Hon. Judge Jacinto Merin Dela Cruz Jr. ng RTC Branch 33, Bauang La Union dahil sa paglabag sa RA 10591.
Samantala, ang Solsona MPS ang nagsilbing lead unit, PIU, INPPO, RIU1, PDEU, R2, 2nd PMFC at RMFB1.
Nakumpiska ng mga otoridad ang isang replica ng caliber 45 na mayroong magazine; isang hand grenade na nabalot ng face mask; limang piraso ng bala ng calibre 45; isang kalibre 38 na baril at dalawang bala nito; isang stainless Smith and Wesson caliber 38 kasama ng 17 piraso ng bala ng kalibre 38 a na baril.
Sa ngayon, nanatili ang mga nakumpiskang ebidensya sa kustodiya ng PNP kasama ng suspek at inaasahang mapipilahan ng kaso.
Samantala, positibo rin ang search warrant operation na naisagawa sa Barangay Manalpac, Solsona.
Ang nasabing search warrant ay inilabas ni Executive Judge Jacinto Merin dela Cruz Jr, Presiding Judge RTC Branch 33, Bauang, La Union dahil sa paglabag ng RA 9165 at may petsang Agosto 10, 2022.
Nakilala ang subject ng operasyon na si Aerrol Alexis Santos y Salbino, walang trabaho at residente ng nasabing barangay.
Base sa impormasyon mula sa PNP-Solsona, si Santos ay miembro ng isang Drug Group ay isang High Value Individual.
Nakumpiska ng mga otoridad ang isang foil, isang black pouch, isnag open transparent plastic sachet; open transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu residue; 10 na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihilang shabu at isang kulay pink na improvised scoop straw.
Nalaman na ang mga nakumpiskang iligal na droga ay may bigat na isang gramo at nagkakahalaga ng hanggang 6,800 piso.
pisos.
Samantala, ang kaso ay maipipila bilang regular filing kontra sa suspek matapos tumakas.