-- Advertisements --

Inilagay sa tatlong linggong lockdown ang dalawang lugar sa Uganda dahil sa Ebola outbreak.

Isinara lahat ng mga bars, nightclubs, simbahan at mga bahay aliwan sa mga lugar ng Mubende at Kassanda.

Magpapatupad din ng curfew sa nasabing lugar para matiyak na walang makakalusot.
Papayagan lamang makapasok sa mga lugar ang cargo trucks subalit lahat ng mga uri ng transportasyon ay pinagbawalan.

Ang nasabing hakbang ay tila kabaligtaran sa naging pahayag noon ni President Yoweri Museveni na hindi na kailangan pang magpatupad ng lockdown.

Sa pinakahuling pagtaya ay mayroon ng 19 katao ang nasawi at 58 kaso ang naitala.

Nagsimula ang outbreak noon pang Setyembre sa Mubende o 80 kilometro ng capital na Kampala.

Unang sinabi ni President Museveni na hindi isang uri ng airborne disease ang Ebola tulad ng COVID-19 kaya hindi na kailangan na magpatupad ng lockdown.