-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patay ang dalawang lalaki matapos manlaban umano sa isinagawang drug buy-bust operation dakong alas-11:00 kagabi sa Carabatan Bacarenio, Cauayan City.

Ang mga napatay ay sina Eduardo Barroga, tricycle driver at Butch Felipe, kapwa residente ng Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, natukoy na nagsagawa ng operasyon ang Cauayan City Police Station at Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) sa nabanggit na barangay.

Nagkaroon umano ng palitan ng putok na nagresulta ng pagkamatay nina Barroga at Felipe.

Narekober sa operasyon ang dalawang caliber 38 revolver at mga bala, limang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, Php 1,000 marked money, isang motorsiklo at isang cellphone.

Ang mga suspek ay kabilang sa listahan Directorate for Intelligence ng Philippine National Police (PNP).

Ang bangkay ng dalawang suspek ay nasa isang punerarya sa Cauayan City.