-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Patay ang dalawang binata matapos malunod sa Cagayan River na nasasakupan ng Gucab, Echague Isabela.

Ang mga biktima ay sina Christian Oydot, 18 anyos at Mark Arellano, 21 anyos, kapwa binata at kapwa residente ng Del Pilar, Alicia, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Michael Esteban, hepe ng Echague Police Station, kanyang inihayag na ang mga biktima kasama ng kanilang mga churchmate ay nagsagawa ng outreach program sa barangay Buselelao.

Dumaan anya sila sa ilog upang I-washing ang kanilang sasakyan sa Cagayan River ngunit naisipan nilang maligo.

Napunta sa gitna ng ilog si Oydot nang biglang magpasaklolo sa kanyang kasama na si Arellano.

Tinangkang sagipin ni Arellano ang nalulunod na si Oydot ngunit pareho silang tinangay ng malakas na agos ng ilog at nalunod

Nagsagawa ng search and rescue operation ang Echague Rescue team katuwang ang mga kasapi ng 502nd Brigade Phil. Army.