-- Advertisements --

Usap-usapan sa mga pageant fans sa katatapos lamang na Miss Universe Philippines coronation night na ginanap sa Panglao beach sa Bohol ang pagbubulgar ng isa sa mga judges na si Dra. Vicki belo na dalawa umanong mga kandidata ang lumabag sa mga patakaran.

Tumanggi namang ibunyag ni Belo ang mga pangalan ng mga kandidata na nagpa-make-up daw sa ibang lugar.

Aniya, hindi raw ito maganda dahil “breaking the rules.”

Nagpasaring pa ang celebrity judge sa pagsasabing “follow the rules everyone!”

Ang naturang pahayag ni Belo ay pinagpiyestahan naman ng mga fans at bumuhos pa ang mga hula-hula kung sino ito.