-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Kagagawan umano ng liquidation squad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang pamamaril sa dalawang sundalo sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga biktima na sina Corporal (CPL) Earl Tabaranza,31 anyos,may asawa at Private First Class (PFC) Mel Jay Bernal,31 anyos,binata at nakatalaga sa Intelligence Unit (S2) ng 34th Infantry Battalion Philippine Army.

Ayon kay Midsayap Chief of Police Lieutenant Colonel John Miridel Calinga na habang sakay ang dalawang sundalo sa isang motorsiklo sa Brgy Central Glad Midsayap Cotabato ay bigla silang dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek na pinaniniwalaang mga miyembro ng BIFF Liquidation Squad patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Midsayap.

Agad dinala ng mga nagrespondeng militar at pulis ang mga sugatan sa Anecito Pesante Sr Memorial Hospital sa bayan ng Midsayap.

Kapwa nasa maselang kondisyon ang dalawang sundalo nang magtamo ito ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Midsayap PNP sa pamamaril sa dalawang sundalo.